Teacher’s Enemy V3

*After about six months I logged into my old crappy Anak ng Tokwa turned into Unfinished Rhapsody that now peacefully rots, dead as a cadaver, everything removed, just leaving a single page saying I’m moved here in another blog for good. I just tried to reread some of things I wrote there over the years then found this certain blog post. Natawa lang ako. Natawa ako sa pagiging satirical and sarcastic ng pagsusulat ko noon and perhaps till now occasionally, so I decided to share this: 😀

Pasalamat ka mas nauna kang pinanganak kesa sa akin. Tandang tanda ko pa ang sinulat ko noon sa notebook kong nagkalasug-lasog dahil sa dami ng pa-assignment sa amin ng teacher ko nung Grade Five. Masakit siya magsalita at minumura ko siya ng talikuran noon. Ganoon din ang teacher ko nung Grade Four. Mandurugas daw ako ng exams dahil natataasan ko ang top one nilang paborito na anak ng makapangyarihan. Masama ang tingin nila sa akin. Porke’t mukha lang akong engot, uhugin, nobody-else kid at parang mushroom lang akong sumulpot sa klase nila. Matagal ko nang balak pasabugin ang mga bungo nila pero hindi lang ako makaipon ng tamang kumpyansa sa sarili at masyado pa akong musmos noon. Hindi naman ako pasaway na student. In fact, kasama pa nga ako sa honor roll during elementary days pero siguro I was not a student-pet type of person. Teacher’s enemy V3. Patayin sa amoy ng anghit ang mga teachers na mukhang pwet. Buhusan ng kumukulong mantikang may asido ang mga teachers na nagpapahirap sa mga helpless na mga estudyanteng gusto lamang matuto ngunit binabalahura ng mga nagrurunung-runungan na hindi naman alam ang tamang pronunciation ng tourniquet. Iyan ang prinsipyo ko noon. Unexpectedly, may mga natutunan din ako sa kanila na hindi kayang ituro ng kung sino man.

Sample:

Mrs. Character. Hobby niya ang pagpatansik ng nakakadiring laway na may kasamang tinga ng malunggay habang nagsesermon. “Ibabagsak ko kayo sa karakter!” Yan ang famous line niya. Mainit ang dugo niya sa akin nang hindi ko alam kung bakit. Magpapass ako ng test paper at makikita niya ang score ko at mare-realize na ako pala ang highest, tataas ang boses niya sa akin, “Bakit ngayon mo lang ‘to pinass?! Kanina pa ako nagtatanong kung sino pa magpa-pass?!” Sa pagkakaalam ko hindi naman siya nagtatanong. Minsan naman pinagbintangan niya akong nandaraya sa exams dahil ako ang pinakamataas. Kasalanan ko bang mabisa ang intuitive skills ko? Lesson learned: Magmali ka ng konti sa exam para hindi ka pagbintangan na cheater.

Mrs. Oso. Siya ang nawawalang kapatid ni Mother Bear na nagpapanggap na human being dahil hindi niya matanggap na oso lamang siya. Pero kitang kita sa kanyang physical features ang pagiging bear niya. Bilog ang mukha. Bilog ang pisngi. Hindi isang cute and cuddly bear kundi isang nakakasindak at nakakasulasok na osong laging nakahandang manakmal ng tulad kong alipin lamang ng pagkakataon at kawalan ng kakayahan. Pinagpagproject niya kami ng Christmas Tree at nang hindi kami makapagpakita ng kahit ano ay binugbog niya kami ng nakakainspire niyang mga words like, “Mga tamad! Walang mga alam! Walang kwenta! Gago!” Ako ang pinakanasaktan noon. Ako kasi ang lider kuno sa grupo at hindi naman ako rich kid para magprovide ng gusto niya. Wala naman gustong magkawang-gawa para mag-ambag ng pambili ng gintong Christmas Tree. Tae niya. Lesson learned: Mas mabaho ang tae ng oso kaysa tao.

Mr. Nakakatawa-daw-siya. Masakit siya magjoke at pinapakita ko talaga sa pamamagitan ng aking facial expression ang pagkabadtrip ko sa mga pinagsasasabi niya. At alam kong badtrip din siya sa akin. The feeling is mutual pero malas ko dahil nauna siya pinanganak kaysa sa akin. He emphasized na hindi na raw ako mananatili sa section one next school year. Siguro dahil nabobohan siya sa akin. Accepted dahil moronic naman talaga ako pero mali ang haka-haka niya dahil grumaduate ako section one pa rin. Lesson learned: Kung sa tingin mo ikaw na pinakabobo sa sangkalupaan ng mga bobo, marami pang mas bobo sayo. Maaaring isa na dyan ang teacher mo.

Ms. Mababa-ang-grade-mo-dahil-hindi-kita-favorite. Natural hindi na naman ako favorite kaya malas ko lang. Kahit sinasabi na ng buong mundo na ang galing mo pero laos ka pa rin paningin niya. Kahit kabisadong-kabisado mo yung speech mo, 85 ka lang dapat. At yung hindi kabisado at nagstammer pa, 89 dapat. Ganyan talaga ang buhay, tyambahan ang grades. Lesson learned: Doing your best is not enough, but do what is required. In tagalog, gawin mo man ang lahat ay hindi pa rin sapat kung teacher mo ay may sayad.

Mr. Cockroach. Hindi naman sa tanga siya pero nakakawalang gana lang ang boses niyang kasing lakas ng utot ng ipis. Narinig mo na ba ang utot ng ipis? Malamang hindi pa. Aaminin ko na nagkasakit ako ng otitis media when I was young pero curable naman ito at mababa naman ang probability na maging sanhi ito ng deafness kaya may kakayahan pa naman akong makarinig. Matalino siya pero aanhin ko rin ang mahusay na guro kung wala naman ako maintindihan sa tinuturo niya. Habang nagsasagot ng mga pamatay niyang quizzes at exams, pinaplano ko na ang epektibong paraan ng pagpuksa ng mga ipis, kabilang na siya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang nagsasagot ng sobrang nakakaubos-lakas na exam na pinagpaguran niya ng isang dekada, at nag-iinit ang frontal lobe ko sa pagmumukha niya na tila tuwang tuwa sa pagbasak ko. Oo, 2.5 lang ang grade ko noon at masama ang loob ko. Lesson learned: May mga ipis na hindi mapatay-patay kahit ilang hampas na ng tsinelas na Havaianas.

Mr. Maghintay-ka-sa-labas. In-add ko siya sa Friendster; wala pa kasing Facebook noon. Ang daming nakasulat sa profile niya na iisa lang naman ang gustong iparating: isa daw siyang mabuting tao. Maniniwala na sana ako pero noong puntahan ko siya sa office niya dahil in-incomplete niya ako dahil wala daw ako pinasang project (na meron naman) at wala daw siyang pakialam sa anumang rason ko kung bakit nawala ang project ko, ay ito lang ang nasabi niya noong nasa loob ako ng office niya, “Maghintay ka sa labas.” Naghintay naman ako na parang tanga lang. Parang utang na loob ko pa ang 88 na binigay niya sa akin at utang na loob ko pa rin ang oras na ginugol niya nang kausapin ako. Buti na lang laos na ang Friendster. Lesson learned: Napakadaling sabihin na mabuti kang tao pero mahirap patunayan ito. (Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo, hindi ako mabuting tao.)

Mrs. Kilay. Teacher nga siya pero wag magtatangkang magtanong sa kanya. Ayon sa kanyang paniniwala, wala sa job description ng isang guro ang magturo sa kanyang mga students. Pagmasdan lang sila, pagtaasan ng kilay kapag nagkamali at barahin ang sa tingin niya’y kabobohan. Kung ganoon naman pala, sana hindi na lang nilikha ang mga guro. Sa palagay ko, matututo ka kahit walang gurong kasing kapal ang kilay ng sulat ng sign pen na G-tech Pilot 0.3. Lesson learned: Masarap ipangsulat ang G-tech Pilot 0.3 dahil manipis lamang ang sulat nito; hindi aksado sa space at hindi nagtatae.

I miss school though during those days I was eager to leave my school crap behind. Naisip ko na lang ngayon, makilala pa kaya nila ako kapag nagkrus muli ang aming landas. Makilala kaya nila ang batang tatanga-tanga na sumasakay lang sa mga power trip nila? Marahil hindi na. Marami na rin kasing nagbago. Lumipas na rin ang galit ko sa kanila noon. Ang mga guro ay tao rin naman. Nagkakasala. Nangungulangot paminsan-minsan. Hindi rin naman ako ideal student para sa kanila pero masasabi kong naging dehado yata ang laban ko. Hindi man naging sulit ang tuition fee na binayad ko para sa kanila, okey na rin. They taught me still that most important lessons in life are not from textbooks instead from people. Most lesson learned: Educate yourself because nobody else will. We are responsible for our own education.

Advertisements

8 thoughts on “Teacher’s Enemy V3

  1. As funny as this blog post seems to be, considering how much I had to contain my laughter while reading it, I couldn’t help but feel sorry for what you had to go through because of them. Parang mas-grabe pa ang treatment nila sa iyo as compared doon sa mga ibang teachers ko. At sayang na hindi ko mabasa yung mga blog posts mo doon sa Unfinished Rhapsody =/ I was looking forward to reading them actually.

    1. Thanks so much Verlene for dropping by my blog and devoting such time of yours to reading my post. 😉 I actually am planning to repost all of my blog entries I wrote in Unfinished Rhapsody here. Whatcha think? Haha. 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s